August 30 2023
Akala ko nakalimutan ko na ito ngunit ito'y ngayon unti-unting bumabalik kaya kailangan ko ng ilabas para hindi na rin mahirap sabihin
Unang araw ng klase kinakabahan ako ngunit kahit paano ay masaya pa rin dahil may kaklase akong ka-close ko
Pero dumating ang oras ng isang subject na sobrang bumigat ang pakiramdam ko
Akala ko lungkot lang yun ngunit ng mag-uwian nauna akong umuwi sa mga kaklase kong naging ka-close
Isa sa mga lalakeng kaklase kong natatawang nagsabi sa'kin ng makalabas ako sa gate ng tuluyan napatingin pa ako dito pero nagsimula ang parang sobrang haba na lakad ng buhay ko
Papunta ako sa trabaho ng tatay ko dahil ito ang sinabi nito na dumaan na ako sa trabaho niya at siya ang maghahatid sakin sa bahay
Habang naglalakad hindi ko maintidihan kung bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang may mabigat na kutsilyong na sinasaksak ako ng paulit-ulit sa puso
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luhang bumubuhos sa akin, parang walang pakialam sa mga taong nakakakita sa'kin
'first day na first day ganito na agad kabigat'
Sabi ko sa isipan ko habang patuloy na naglalakad na umaagos ang luha, hindi ko maintidihan kung dahil ba ito sa sinabi ng kaklase ko o dahil sadyang tama lang siya na lonely ako dahil nauna ako sa mga kaibigan kong umuwi
O dahil naramdaman kong tama ang salitang sinabi niya dahil sa buong araw na yun naramdaman kong hindi ako below sa section na yun
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil malapit na ako sa pinagtatrabahuhan ng tatay ko at ayaw kung makita nito na ganito ang hitsura ko
Ngunit wala akong nagawa kahit nakasakay na ako sa pinapasada nito ay hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang luhang kanina pa umaagos......
Dahil sa pangyayaring ito patuloy na akong lumalala umabot na sa punto na gusto ko nalang tapusin ang buhay ko.
Comments
Post a Comment