August 30 2023
Akala ko nakalimutan ko na ito ngunit ito'y ngayon unti-unting bumabalik kaya kailangan ko ng ilabas para hindi na rin mahirap sabihin Unang araw ng klase kinakabahan ako ngunit kahit paano ay masaya pa rin dahil may kaklase akong ka-close ko Pero dumating ang oras ng isang subject na sobrang bumigat ang pakiramdam ko Akala ko lungkot lang yun ngunit ng mag-uwian nauna akong umuwi sa mga kaklase kong naging ka-close "Lonely" Isa sa mga lalakeng kaklase kong natatawang nagsabi sa'kin ng makalabas ako sa gate ng tuluyan napatingin pa ako dito pero nagsimula ang parang sobrang haba na lakad ng buhay ko Papunta ako sa trabaho ng tatay ko dahil ito ang sinabi nito na dumaan na ako sa trabaho niya at siya ang maghahatid sakin sa bahay Habang naglalakad hindi ko maintidihan kung bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang may mabigat na kutsilyong na sinasaksak ako ng paulit-ulit sa puso Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luhang bumu...